Kailangan ko ng inspirasyon at kanina ko pa sinusubukang maghanap pero wala akong makita. Sa totoo lang miss ko na talaga ‘siya’, ang dahilan ng aking paghinga, ang tinitibok ng aking puso, ang aking nag-iisang inspirasyon. Gusto kong balikan ang mga panahong kaming dalawa pa, kasulang hindi ko ito mababalikan, kasi hindi naman kami naging mag-syoota. Ang kaisa-isang babaeng minahal ko ng lubos, ang ‘first love’ ko wala akong lakas ng loob na ipaglaban ang pagmamahal ko sa kanya. Naduwag ako, o, duwag talaga ako. Pinagsisishan ko ang mga panahong sinayang ko, mga panahong sana’y nalaan ko para maipadama ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kung gaano siya kaimportante sa akin. Marahil isa narin sa mga dahilan kung bakit naduwag ako ay dahil alam kong hindi niya ako magagawang mahalin pabalik at tanggap ko iyon. At hindi naman maganda kung pipilitin ko siyang mahalin ako. Hindi pagmamahalan ang tawag kapag ang isa lang ang nagmamahal ang tawag sa ganon ay ‘kasuklaman’, ang pagmamahal upang matawag na isang tunay na ‘pagmamahal’ kailangang hindi lang isa ang nagmamahal dapat perehas silang nagmamahalan. Panget ako, alam ko, hindi ko na kailangang humarap ng salamin para malaman at tanggap ko ito. Naluluha nalang ako minsan dahil hindi ko kayang sabihin ang nararamdama ko dahil panget ako. Ang hirap. ‘kasi panget ako’, dahilan ba yon para hindi ko masabi sa kanya ang pag-ibig ko? Dahilan ba yon para kimkimin ko sa sarili ko ang nag-aalab kong pagmamahal sa kanya? Dahil ba yon para maduwag akong ipakitang mahal ko siya? Nagmamahal ba talaga ako? Kahit minsan sa buhay ko hindi ko naranasang mahalin o kaya gustuhin ng isang babae, kaya nahihirapan ako kung paano magmahal. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang gawin o kaya kung ano ang mas nakaka-ige kaya kadalasana kapag may natitipuhan akong babae, nanahimik nalang ako, tinitikom ang bibig at hinahayaan ko ang sarili kong makalimot. Maraming beses ko na ito nagawa, masakit pero alam kong ito ang mas magandang gawin. Pero iba pala kapag first love. Hindi mo siya magagawang kalimutan. Gustong-gusto ko yung mga sandaling nag-iimagine ako na kami daw at mahal na mahal namin ang isa’t-isa, ayoko nang tingnan ang realidad na hindi talaga kami itinadhana. Nung isang gabi napanaginipan ko siya, kiniss niya daw ako sa pisngi at masayang-masaya siya.. bigla akong nagising.. natuwa ako, yun na ata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko pero sa kabila non ay nalungkot ako, una dahil panaginip lang iyon at pangalawa kahit ba naman sa panaginip sa pisngi niya lang ako hinalikan at hindi sa labi. Naalala ko yung isang pangyayari na hindi ko malimut-limutan. Parehas kaming lasing non, nasa isang debu party ng isang kaibigan. Magkatabi kami non, nagkwe-kwento ako ng mga facts at mga trivias, medyo nerdy ako, Bigla akong napahinto, napatingin ako sa kanya bagos siya din napatingin sa akin, nagkatitigan kami ng mata. Hindi ko alam ang nagyayari parang biglang bumulis ang tibok ng puso ko, nanlamig ang kamay ko, gusto ko siyang halikan, pero wala akong lakas ng loob. ‘Hahalikan ko ba siya o hindi?’ Paulit-ulit kong tanong sa sarili ko, napansin ko nalang na lumalapit ako sa kanya, wala naman siyang kibo at magkatitig parin ang aming mga mata. Hindi ko nagawa. Napatingin ako pababa. Hindi na kami nag-usap pero magkatabi parin kami, pareho kaming nakatingin sa malayo, umuwi narin siya pagkalipas ng ilang minuto. ‘Ang tanga ko!’ bulong ko sa sarili ko. Maganda narin yung ginawa ko kasi kapag itinuloy kong halikan siya baka hindi niya pala yon gusto at baka masampal niya pa ako at sumigaw pa siya ng ‘rapist! Kinabukkasan tinawagan ko siya. Sinubukan kong magpaliwanag pero parang ayaw niyang pag-usapan yung tungkol kagabi. Sabi ko nalang sa kanya ‘bestfriend psensya na talaga kagabi hah? Lasing lang talaga ako non’ Simula non from besfriend naging friend nalang kami at nag-umpisa na kaming hindi magpansinan. Wala na kaming komyunikasyon. Ang lungkot. Pinagsisihan kong hindi ko siya hinalikan, kasi kung alam ko sanang mawawala din naman siya dapat ginawa ko na. Mas maganda pala yung sinubukan mo kaysa naman sa wala kang ginawa, kasi kapag wala kang ginawa malaki ang pagsisihan mo sa bandang huli. Wala na, inaksaya ko ang nag-iisang pagkakataon ipagtapat sa kanya ang pag-ibig ko. Naduwag ako.

GATAS NA CHOCO O CHOCO NA GATAS?

Isang tanong na gumagambala sa ating lahat, isang napakontobersyal at nakakabaliw na tanong. Ano ba talaga ito? Gatas na choco o choco na gatas?

Naiisipan ko magconduct ng isang minor survey para magkaroon tayo ng batayan kung ano ba talaga ang lasa ng productong yon. Gatas na choco o choco na gatas?

Wala akong iniba kahit isang letra sa mga sinabi ng aking mga kaibigan sa facebook.

Kayo na ang humusga mga kababayan.

Gatas na choco o Choco na gatas?

Bagong expression, bagong buhay.

May bago na pala akong expression: ‘I MIGHT VOLUNTEER MYSELF TO GO TO HELL’.  halimbawa: ‘Kapag natapos mo yang assignment mo, i might volunteer myself to go to hell’, ‘kapag napasagot mo yang nililigawan mo, i might volunteer my self to go to hell’, ‘kapag nakuha mo yung number ng crush mo, i might volunteer myself to go to hell’.

Ano ang palagay ng mga bayani natin sa CYBERCRIME LAW

SA KABILANG BUHAY:

Rizal: tingnan mo yung mga hunyangong yon! kinakawawa ang mga Filipino !

Bonifacio: Oo nga ! Hindi tayo namatay para sa ganyan, namatay tayo para sa kalayaan ng bawat Filipino.

Aguinaldo: Alam mo naman ang mga pulitiko ngayon, lahat ginagawa para magpapansin o kaya matakpan ang kanilang pagkakamali.Mabini: Parang nawawalan ng saysay ang pagbubuwis natin ng buhay para sa kalayaan ng bawat isa.

Rizal: minsan naiisip ko, tama ba ang ginawa nating bigyan ng laya ag mga Filipino kung sa bandang huli sila din naman ang magtatanggal ng kanilang laya?

Aguinaldo: tama lang ang ginawa natin, ngunit ang mali lang ay ang nagpapalakad at ang mga kumokontrol ng layang ibinigay natin.